Entropy

by Ensou

/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.

      $1 USD  or more

     

lyrics

VERSE 1:
Lumipas na ang oras nandito parin ako,
nagbibilang ng luha na hindi natutuyo.
Natulala at naliligaw sa aking isipan.
Ang ala-alang aking binabalik-balikan.

Pipikit na lang ako,
kailan ba ito hihinto?

CHORUS:
Sa bawat pag-sikat ng araw;
madilim na paligid ang natatanaw.
Sa bawat pag-ikot ng mundo;
ang mga bituin ay dahan-dahang lumalayo.

VERSE 2:
Sumisigaw sapagkat walang nakakadinig,
nakatingin sa silwuta mong di umiimik.
Nakahiga at nalulunod sa aking pagluha.
Ang ala-alang ating di na malilimutan.

Pipikit na lang ako,
habang ika'y lumalayo sa akin.

-INSTRUMENTAL-

BRIDGE:
Ang kwento natin ay lumilipas at umuulit
saglitang umiihip na parang hangin.
Pag-sapit ng bukas ako ay umaasa muli,
na ikaw at ako ay muling magkatabi.

CHORUS:
Sa bawat pag-sikat ng araw;
madilim na paligid ang natatanaw.
Sa bawat pag-ikot ng mundo;
ang mga bituin ay dahan-dahang lumalayo.

credits

released June 7, 2014
Music & Lyrics by ensou
Illustration by Dasu

Hatsune Miku Append copyright of Crypton Future Media

tags

license

all rights reserved

about

Ensou Philippines

Hello~ I'm a music producer(vocaloid and others) and an illustrator.

contact / help

Contact Ensou

Streaming and
Download help

Redeem code